Showing posts with label Tagalog Entry. Show all posts
Showing posts with label Tagalog Entry. Show all posts

Mar 24, 2011

Mga emosyonal na pananalita.

Eto ang mga pangyayari o mga salita na hindi mo akalaing sasabihin mo.

1. "Mahal na mahal kita, at ang sakit-sakit na."

"Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit-sakit?"

"She loved me at my worst. You had me at my best. And you chose to break my heart."

"If kaya pang ayusin pilitin. What if this is really what both of you need? Then just be strong. Magiging mahirap at masakit pero hopefully all the pain will be worth it."

Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.

But you're asking for too much. Gusto mo mawala na'ko sa buhay mo.

Courtesy of the movie "One More Chance"

2. "Iiwan mo ba ko? basta wag kang gagawa ng dahilan para iwan kita"

3. Saktan mo na ko physically, wag lang emotionally.

4. "Lahat ng problema nasosolusyonan, pero bakit ito? parang hindi na."

5. "kaya ko to' pero mas kakayanin ko kung andyan ka pa rin"

6. "sanay na ko ng iniiwan mo ko, pero sana this time kung aalis ka. Please huwag ka ng bumalik"

7. "masakit makita ka pero mas masakit ang makasama ka"

8. "bakit ka makikipagbreak agad? magusap muna kau. lahat ng problema nadadaan sa pag-uusap"


Madrama, emosyonal pero totoo.

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

Nov 26, 2010

Ang mga weird na tao sa mundo

Unang kwento:

Kilala mo ba sila?

Sino?

Ayun oh. Yung mga un. Yung group of friends.

Ah. Yung mga kaibigan ng ex mo?

Oo. Yun nga.

Anung meron sa kanila?

Sila ang mga weird na tao sa mundo.

Bakit naman?

Simple. Sila lang naman ang pasimuno, assuming, at higit sa lahat weirdo.

Grabe naman. Paano mo naman nasabi?

Unang una. Pasimuno sila sa asaran. Pangalawa assuming sila sa lahat ng bagay. At naging
weirdo sila sa paningin ko kasi akala ko magiging maayos ang lahat at sinama ko sila sa mundong binuo ko kasama siya. Pero nagkamali ako.

Bakit?

Sila rin kasi ang magtutulak na lumapit siya sa kin nung una, pero sila rin pala ang hindi rumerespeto habang unti unti na kong nabubuo.

Pangalawang kwento:

Kilala mo ba siya?

Sino?

Ayun oh. Yung taong yun.

Anung meron sa kaniya?

Siya ang weird na tao sa mundo.

Bakit naman?

Siya ang inakala kong magiging bagong kaibigan ko.

Pero?

Pero siya pala ang naging bagong ka-ibigan ng mahal ko.



-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-


Sep 29, 2009

Pansin ko lang

Maraming tao ang involve pagdating sa pag-ibig. Lalo na ang kabataan ngayon. Nauuso na kasi ang magkaroon ng love life sa murang edad pa lamang. Pero may mga instances na hindi maiiwasan. At may mga bagay ako na napansin sa mga magkakarelasyon tulad ng mga kabataan ngayon.

Take note: walang magrere-act ng masama dahil sariling opinyon ko to' at blog ko to.

1. Pansin ko lang...
Kapag nagbe-break ang isang mag bf/gf, ang madalas na nakikipagbalikan ay yung nag-suggest ng break-up. At bakit?

a. Namimiss niya yung ex niya.
b. Magulo ang isip niya at nakipag-break siya.
c. Ayaw pa talaga niyang tapusin yung relasyon nila pero no choice at nakipag-break pa rin siya.

2. Pansin ko lang...
Ang mga girls mahilig o masipag magtext. E bakit ang mga boys hindi?

a. Kasi kapag natapat na sila sa PC at nag-start ng mag-DOTA, iba na ang mundo nila.
b. Yung ibang boys hindi gumagawa ng paraan para ma-text ang mga gf nila. in short. "hindi nila hilig ang makitext"
c. Wala silang pakialam sa mga gf nila.

3. Pansin ko lang...
Kapag nag-aaway ang isang couple ang madalas umiiyak ay ang mga babae, bakit kaya?

a. Kasi mas emosyonal ang mga babae.
b. Isang way yun para lumambot ang mga guys pag galit sila sa gf nila.
c. Hindi lang talaga mapigilan.

4. Pansin ko lang...
Kapag may gusto ang isang tao, bakit hindi niya masabi ng diretsuhan sa taong gusto niya?

a. Sa guys, baka naman natotorpe lang.
b. Sa girls, sobrang shy type lang talaga.
c. Maraming sitwasyon ang ganito. Nadadaan na lang sa mga friends ang pag-sabi na may gusto sila sa 1 tao.

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

Sep 8, 2009

Bestfriend nga ba talaga?

Dati.

"Bestfriend" ang tawag sa "Matalik na kaibigan"

Pero,

Ngayon.

Ang "Bestfriend' ay?

A. Mag-syota na tinatago ang relasyon

B. Manliligaw dati na binasted o nanliligaw pa lang

C. Mag-Ex na umaasa pa ring magkakabalikan

D. Magkaibigang may tinatagong pagnanasa sa isa't-isa.

Ngayon, Masasabi mo ba talagang "Bestfriend" mo sya?

*Courtesy of Ms. Danielle P. Kuizon

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

Jun 10, 2009

Bible words

"So that they are no more two, but one flesh. What therefore God has joined together, don't let man tear apart."

"Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao."

- Matthew 19:6


"House and wealth are an inheritance from fathers, But a prudent wife is from the LORD."

"Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon."

- Proverbs 19:14

Just love the writings in the Bible. It has all the meaning.

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

May 25, 2009

PAG-IBIG SURVEY

Ang survey na ito ay nagmula sa 100 katao at mabuting inusisa at pinagaralan para sa mga taong nagtataka tungkol sa pag-ibig. Husgahan man o laitin ay hindi ko na kapakanan iyon at ito'y reaksyon lamang ng iba't ibang tao. -TRICIA

TANONG: Sino ang madalas nagseselos? Boy or Girl?

SURVEY SAY's: Boy - 78% Girl - 22%

FACT: Bakit nga ba mas madalas magselos ang mga lalaki? dahil ang mga babae kapag nagseselos man yan hindi nila pinapakita sa partner nila. Ginagamit nila ang mga terms na "girl's talk, cry on pillow, chocolate addiction". Ngunit ang mga lalaki kapag nagseselos. Humanda ka na at magagalit at bubungangaan ka na nyan. Kahit na sabihin mong kaibigan mo lang yun.

TANONG: Totoo ba na ang mga magbebestfriend ay nag-eending sa mag-boboyfriend o girlfriend? Oo o Hindi?

SURVEY SAY's: Oo - 63% Hindi - 37%

FACT: Sa panahon ngayon. Ang style ng mga lalaki para maging commit sila ng nagugustuhan nila ay sa pamamagitan ng pag-bebestfriend. Pero kung hindi sila nag-end up sa ganung sitwasyon nirerespeto nila ang isa't isa at un ang mas mahalaga.

TANONG: Kailangan bang dumaan ang isang couple sa PMS? Oo o Hindi?

SURVEY SAY's: Oo - 25% Hindi - 75%

FACT: "PMS" o Pre-marital sex. ang dumadaan lang dyan ay ang mga taong binasbasan na ng kasal or "married couple". Ang mga taong may partner na ay hindi dapat gumawa ng mga ganyang bagay lalo na kung nag-aaral ka pa. Maraming gumagawa ng PMS sa mga kabataan ngayon at mali yun! Isipin na lang nila ang magiging kinabukasan nila at ng mga magulang nila.
Kung inaya man kayo ng partner nyo lalo na kung lalaki ang nag-aya. Sipain nyo agad ung external genitalia nila para magtino.

TANONG: Sa panahon ngayon, kailangan pa bang mag-bigayan ng regalo tuwing monthsary? Oo o Hindi?

SURVEY SAY's: Oo - 50% Hindi - 50%

FACT: Ang pagbibigay ng regalo ay hindi masama. Hindi rin naman kailangang mahal o bongga ang ibibigay mo. Pero depende na lang sa inyong 2 yun kung gusto nyong magbigayan ng regalo tuwing monthsary o hindi.

TANONG: Sino ang madalas na umiiyak at nagmamakaawa kapag break up ang pinag-uusapan? Guy or Girl?

SURVEY SAY's: Guy - 82% Girl - 18%

FACT: Bakit mga lalaki? kasi ang mga lalaki nagloloko man yan, babalik at babalik pa rin yan sa nauna. At ang mga lalaki tinitignan nila agad yung future kesa ang present.

TANONG: Ano ang madalas na comfort food after break up? Chocolate or Beer?

SURVEY SAY's: Chocolate - 77% Beer - 23%

FACT: Sa mga lalaki, ang tinutungga nila pag break na ay beer. Pero sa mga babae sy chocolate. Ngunit, sa panahon ngayon mas malakas pa atang uminom ang mga babae kesa sa mga lalaki. Kaya nagiging comfort food na rin ng mga babae ang beer.

TANONG: Sang-ayon ba kayo na ang mga lalaki ang madalas na gumagastos kapag may date? Oo o Hindi?

SURVEY SAY's: Oo - 88% Hindi - 12%

FACT: Sa part ng babae syempre OO naman. Pero sa part ng mga lalaki minsan may OO minsan merong Hindi. Dahil sa pananaw ng mga magulang kapag ang boyfriend ng anak nila ay hindi willing gumastos o kuripot inaayawan nila agad iyon. Ngunit sa hirap ng panahon ngayon mas mabuti nang hati o share na lang kayo o kaya naman minsan babae naman ang gagastos para fair.

TANONG: Alin ang mas matimbang? Ang Girlfriend/Boyfriend o Ang Bestfriend?

SURVEY SAY's: GF/BF - 41% Bestfriend - 59%

FACT: Dapat pantay lang. Ngunit ang bestfriend mo andyan sya parati para sayo at ang partner mo mahal mo pero once na mag-break kayo, putol na rin pati pagkakaibigan nyo.

Sana nakatulong ito sa inyo. Kung gusto nyo pa ng ganitong SURVEY. Mag-email lang kau sa akin at cia16mae@yahoo.com salamat!

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

Jan 26, 2009

"Ang hinanaing ng isang BABAE"

Ano nga ba ang hinanaing ng isang BABAE?

Kapag ngumiti ka na ng konti,
nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi.
Hindi pangseryosohang relasyon.

Marinig lang nila na malakas kang mag-salita,
palengkera ka na.
T.O. kagad sa kanila iyon.

Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit,
kulang nalang makita na kaluluwa.
Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan
dapat disente,
dapat mala-anghel ang mukha,
dapat mukhang inosente.
Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake.

Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo.
Kapag hindi ka naman nagpakipot.. "easy to get" naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin.
Teka! Sino bang may sabing magpaalila kayo,
di naman namin hawak ang buhay niyo.

Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh.
Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo,
babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema.
Para lang kayong may gustong bilhin na bagay.
Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis.
Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo"

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun.
Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa.
Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya.
Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando,
aba! masasakal naman.

Sasabihin pa sa iyo:
"demanding ka."
HAHA :))

Meron ka pang maririnig na:
"I think we need space.",

..........at kung anu-ano pang ek-ek.

Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait,
maging devoted at faithful?

Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.

Kapag kayo gumawa noon, ok lang.
Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon.
Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang.

Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin?
Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin.

Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.
Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Ha. Ha. Ha. :))

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin.

Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga kaming magmature sa inyo.
Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group.
Mas mataas pa kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.
Kayo na ang mag-math!

Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo.

Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan.
Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo,
pero hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.
Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.

Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita?
Mas iba kaming magmahal. Mas masarap..


Kapag natapos na ang lambingan,
eh di siyempre iwanan blues na.
Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang.
Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago,
sino ba ang mayabang,
sino ba ang nagmamalaki?
Kami ba? Kami ang walang choice...

Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo.."
Lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan.
Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek.
Umiyak ka ng bato.Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa?

Post-break up.

Mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.

Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.


Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga.


Ano ba namang buhay to?

Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang.

Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
P***NGI*A SAKLAP DIBA?

So true...

Source: Maxine from Multiply

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

"Ang hinanaing ng isang LALAKI"

Ano nga ba ang mga hinanaing ng isang LALAKI?


*grabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*

Musta na, pare?
Ako, okay lang.
Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan.
Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare,ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan,
hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake
na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e.

Ang alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya.

Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun,
kung ano pang diskarte ang gagawin naten
para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten.

Patutunayan na mahal nga sila.

Susuyuin..

to-the-max.

Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan,
lahat na.

Kulang na lang e pagsilbihan mo nang
walang sahod. (Hahaha!)

At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila.
Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila.


Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip,
isang malaking
HINDE ang makukuha
naten,

kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.

Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”,
“Sorry pero I think we should just be friends..”,
“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”
“Better luck next time na lang muna, okay lang?”,
“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,
"Para lang kitang kapatid eh.. "

yaddah yaddah.

Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya..
tayo ang hahawak ng relasyon.
Tayo ang aayos kung may gulo;
tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga;
tayo ang magiging devoted at faithful;

tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet;
sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;
sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano;
sila ang magbabawal;
sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave,
kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila,
kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila,
at kung kelan ka korni.


Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*



Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.

Pag maganda, edi okay.
Pag may problema, kasalanan naten.

Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso.
At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.

Mas mature?
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa.
Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon.
Sa mga panahong ‘to, either
sawa na sila, hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan.
Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist
at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.


Ang ending:
mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan,
lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten,
at higit sa lahat,
mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.
Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok ng alak

Ang mga babae talaga, oo.

Grabe na to' ahahahaha! =D

Source: Maxine from Multiply

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-


Jan 11, 2009

Different reasons why having an affair is good or bad

This is my first entry in my blog that is in TAGALOG language. Hope you all like it.

Bakit ang hirap magkaroon ng isang relationship?

Here are the reasons why having an affair is BAD:


1. LOAD ng LOAD - nakakaubos ng baon to ah'

2. REPORT - report ng report kung nasaan ka, ano ang ginagawa mo, sino kasama mo, at kung anu-ano pa. (hindi ako PULIS!)

3. STUDIES - nakakasira ng studies ang pakikipag relasyon.

4. TIME - nakukulangan ka ng oras para sa iba mong gagawin. like mag-aral, family, labas with friends.

5. NAKAKA-SAKAL - lahat limitado na. like pananamit mo, pagkain mo ng kung anu-ano, talking shit, pag-inom with friends, lahat na!

6. GIFTS - kailangan mo pang mag-ipon just to give gifts for monthsary, birthday, anniversary.

7. LIES - nagsisinungaling ka na sa parents mo para lang sa kaniya.

8. FIGHT/ARGUE - lagi kang may ka-away na tipong lahat ng taong makakasalubong mo ay gusto mo ng awayin din.

9. JEALOUSY - selos anyone? kahit ang mga friends mo ay pinag-seselosan din nya.

10. STRESS - nakaka-stress ang pagpupuyat, hindi kumain dahil sa bad mood ka sa away niyo, your day was awful because of him/her.

11. HURT/CRY - ayoko ng masaktan uli, ayoko ng umiyak tuwing gabi kaya natatakot na kong magmahal uli.=<

Here are the reasons why having an affair is GOOD:


1. SWEET MOMENTS - nothing can beat your sweet times together.

2. HUG - nothing can hug you like a teddy bear in his/her arms tightly, and it feels warm. sarap ng feeling!

3. KISS - kapag bad ang araw mo today, no one! or nobody! can beat up a sweet kiss from the one you love.

4. CARE - taking care of you always even in good or bad times.

5. I LOVE YOU - saying "I LOVE YOU" is one of the special and sweet words you can hear from a very special person.

---haiii! first tagalog entry ko to ha' walang kokontra!

FALLING in LOVE is so "damn" HARD!

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES- "Sorry..."