Nov 26, 2010

Ang mga weird na tao sa mundo

Unang kwento:

Kilala mo ba sila?

Sino?

Ayun oh. Yung mga un. Yung group of friends.

Ah. Yung mga kaibigan ng ex mo?

Oo. Yun nga.

Anung meron sa kanila?

Sila ang mga weird na tao sa mundo.

Bakit naman?

Simple. Sila lang naman ang pasimuno, assuming, at higit sa lahat weirdo.

Grabe naman. Paano mo naman nasabi?

Unang una. Pasimuno sila sa asaran. Pangalawa assuming sila sa lahat ng bagay. At naging
weirdo sila sa paningin ko kasi akala ko magiging maayos ang lahat at sinama ko sila sa mundong binuo ko kasama siya. Pero nagkamali ako.

Bakit?

Sila rin kasi ang magtutulak na lumapit siya sa kin nung una, pero sila rin pala ang hindi rumerespeto habang unti unti na kong nabubuo.

Pangalawang kwento:

Kilala mo ba siya?

Sino?

Ayun oh. Yung taong yun.

Anung meron sa kaniya?

Siya ang weird na tao sa mundo.

Bakit naman?

Siya ang inakala kong magiging bagong kaibigan ko.

Pero?

Pero siya pala ang naging bagong ka-ibigan ng mahal ko.



-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-


2 comments:

Jusellie said...

gusto ko yung last line..
"Siya ang inakala kong magiging bagong kaibigan ko.

Pero?

Pero siya pala ang naging bagong ka-ibigan ng mahal ko."

FTW!!!

tricia said...

hahaha! love it. :)