Sep 29, 2009

Pansin ko lang

Maraming tao ang involve pagdating sa pag-ibig. Lalo na ang kabataan ngayon. Nauuso na kasi ang magkaroon ng love life sa murang edad pa lamang. Pero may mga instances na hindi maiiwasan. At may mga bagay ako na napansin sa mga magkakarelasyon tulad ng mga kabataan ngayon.

Take note: walang magrere-act ng masama dahil sariling opinyon ko to' at blog ko to.

1. Pansin ko lang...
Kapag nagbe-break ang isang mag bf/gf, ang madalas na nakikipagbalikan ay yung nag-suggest ng break-up. At bakit?

a. Namimiss niya yung ex niya.
b. Magulo ang isip niya at nakipag-break siya.
c. Ayaw pa talaga niyang tapusin yung relasyon nila pero no choice at nakipag-break pa rin siya.

2. Pansin ko lang...
Ang mga girls mahilig o masipag magtext. E bakit ang mga boys hindi?

a. Kasi kapag natapat na sila sa PC at nag-start ng mag-DOTA, iba na ang mundo nila.
b. Yung ibang boys hindi gumagawa ng paraan para ma-text ang mga gf nila. in short. "hindi nila hilig ang makitext"
c. Wala silang pakialam sa mga gf nila.

3. Pansin ko lang...
Kapag nag-aaway ang isang couple ang madalas umiiyak ay ang mga babae, bakit kaya?

a. Kasi mas emosyonal ang mga babae.
b. Isang way yun para lumambot ang mga guys pag galit sila sa gf nila.
c. Hindi lang talaga mapigilan.

4. Pansin ko lang...
Kapag may gusto ang isang tao, bakit hindi niya masabi ng diretsuhan sa taong gusto niya?

a. Sa guys, baka naman natotorpe lang.
b. Sa girls, sobrang shy type lang talaga.
c. Maraming sitwasyon ang ganito. Nadadaan na lang sa mga friends ang pag-sabi na may gusto sila sa 1 tao.

-NO SONG TO PAMPER IN TAGALOG ENTRIES-

1 comment:

Dani said...

Dami mong napapansin Tish ah! :> ilikeit!